MANILA, Philippines - Isang magarbong karera ang magaganap sa Marso 15 at 16 sa Pangasinan sa paglarga ng kauna-unahang Hundred Islands Ultra International Marathon.
Ang mga distansang paglalabanan ay 100-kilometer at 50-kilometer marathon na sisimulan sa Alaminos City, ang lugar kung saan matatagpuan ang Hundred Islands, hanggang sa Bani at Bolinao bago bumalik sa pinagsimulan ng karera.
Maisasagawa ang marathon dahil sa pagtutulungan nina Governor Amado Espino Jr. at Alaminos City Mayor Arthur Celeste.
Itinutulak ni Espino ang karera na patuloy na maipakita ang magagandang tanawin sa kanyang nasasakupan habang hangad ni Celeste na palakasin ang bagong taguri sa Pangasinan bilang ‘home of sports events.’
Nasa 30 dayuhan ang inaasahang sasali sa karera na magtataya ng P100,000.00 sa mananalo sa 100km race at P20,000.00 sa 50km karera.