Altas tinapos ang Generals para sa 4-peat

MANILA, Philippines - Sinandalan ng Perpe–tual Help ang kanilang karanasan upang angkinin ang 25, 22, 26-24, 18-25, 23-25, 15-13, panalo sa Emilio Aguinaldo College at hiranging kampeon ng NCAA men’s volleyball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Si Jay Rojo dela Cruz ay mayroong 24 puntos, tampok ang 22 kills, habang sina Edmar Sanchez at Bonjomar Castel ay may tig-14 para sa Altas na nanalo kahit gumawa ng 41 puntos si Howard Mojica ng Generals.

Hinabol ng Altas ang 4-1 kalamangan ng Ge­nerals sa deciding set at nakuha nila ang panalo sa service error ni Sid Gerilla.

Hindi nasayang ang ipinakitang galing ni Dela Cruz dahil siya ang kinilalang Finals MVP para pagningningin ang ikaapat na sunod na NCAA title ng Altas at pinalawig pa sa 47 ang kanilang winning streak na nagsimula tatlong taon na ang nakalipas.

Ang tagumpay na ito ng Altas ay tumabon sa kabiguan ng Lady Altas na magkampeon sa women’s division matapos mangi­babaw ang dehadong Arellano, 25-21, 25-22, 25-6, sa unang laro.

Si Cristine Joy Rosario ay may 13 puntos habang si Menchie Tubiera ay may 12 para sa Lady Chiefs na itinabla ang serye sa 1-1.

Ang deciding Game Three ay gagawin sa Huwebes.

 

Show comments