MANILA, Philippines - Pitong taon ang hinintay ni Efren “Bata†Reyes para muling makatikim ng panalo sa Derby City Classic One Pocket Division.
Ipinamalas ng 59-anyos na si Reyes na taglay pa rin niya ang husay sa paglaÂlaro ng bilyar nang talunin si Shannon Daulton ng USA, 3-1, sa finals sa 16th annual Derby City Classic sa Horseshoe Southern Indiana Elizabeth, Indiana, USA.
Matapos ang 11 rounds, si Reyes na lamang ang walang talo sa limang nagÂlalaban-laban para magkaroon ng buy-back option.
Sinuwerte si Daulton na mag-bye sa semis at naiwan si Reyes para harapin ang kababayan na si Dennis Orcollo habang ang isa pang Pinoy na si Francisco Bustamante ay kalaban ni Scott Frost ng USA.
Nanapatili ni Reyes ang winning streak sa 3-2 panalo kay Orcollo, ang 9-Ball Banks champion, habang si Bustamante ay natalo kay Frost, 3-1.
Nag-redraw ang tatlong palabang manlalaro at kay Reyes kumapit ang suwerte matapos mag-bye at umabante na sa Finals.
Sa labanan ng dalawang American players ay si Daulton ang nanalo para umabante sa finals laban kay Reyes na may twice-to-beat advantage.
Ngunit hindi na kinailaÂngan ni Reyes na gamitin ang buy-back option nang manaig sa unang labanan.
Ito ang ika-anim na DCC One Pocket title ni ReÂyes pero huli niyang naÂpanalunan ito noon pang 2007, ang taon na kinilala rin siya bilang Master of the Table champion.
Halagang $12,000.00 ang naibulsa ng tinaguriang ‘The Magician’ sa bilyar habang $6,000.00 ang binitbit ni Daulton.
Si Frost ay may $3,355.00 habang sina BusÂtamante at Orcollo ay nagbitbit ng tig-$2,200.00 premyo. (AT)