BACOLOD CITY -- KaÂsabay ng magandang panahon ay kuminang ang laro nina Karen Janario ng Leyte Sports Academy-Smart at Alexis Soqueno ng Negros Occidental.
Ito ay matapos magtakbo ang 14-anyos na si Janario at ang 15-anyos na si Soqueno ng tig-limang gintong medalya sa athleÂtics event ng Batang Pinoy National Finals 2013.
Sinikwat ni Janario ang kanyang limang gold medals sa girls’ 100-meter hurdles, 100m dash, 200m sa 4X100m at sa 4x400m relay team kasama sina Rosemarie Olorvida, Feiza Lenton at Gemmalyn Fino.
Bagamat may lungkot na nararamdaman dahil sa pagkawasak ng kanilang tahanan sa Palou, Leyte mula sa pananalasa ng bagyong ‘Yolanda’, ikinasiya pa rin ni Janario ang kanyang panalo.
“Medyo may konting lungkot kasi wala kaming bahay, pero masaya rin naman ako kasi nanalo ako ng limang golds,†sabi ng 5-foot-6 na si Janario.
Hinakot naman ni SoÂÂÂqueno ang kanyang mga ginto sa boys’ high jump, 110m hurdles, 400m hurdles at sa 4X100 at 4x400m relay katuwang sina Delaben, Mark John Balajeboco at Jose Jerry Belibestre.
“Masayang-masaya po ako kasi natupad ko ‘yung target kong limang golds,†sabi ni Soqueno.
=Sa cycling, kinuha ni Bacolod City bet Maia Yusay ang ginto nang mamuno sa girls mountain bike sa bilis na 36:50.34 sa 12-kilometer route, habang nanaig naman sina Ana Patricia Maximo ng Cebu sa road cycling (46:03.34).
Si Brylle Cocjin ang namayani sa boys mountain bike na itinakbo sa 24km sa kanyang oras na 57:48.16 at nagbida sa boys road cycling si Emmanuel Delos Santos (1:15:59.64).