MANILA, Philippines - Para tiyakin ang magandang kampanya ng bansa sa darating na 17th Asian Games, pondong P50 milyon ang inilatag ng Philippine Sports Commission para sa pagsasanay ng National contingent.
Ito ang inihayag ni PSC chairman Richie Garcia kaugnay sa paglahok ng bansa sa quadrennial meet na nakatakda sa SetÂyembre 19 hanggang Oktubre 4 sa Incheon, South Korea.
“Yes, the PSC is alloting P50 million, which all the NSAs, whose athletes will be participaÂting, can avail of provided they can show proof that said athletes are qualified to earn the trip to Incheon,†wika ni Garcia.
“We are doing this to assure our countrymen that we are serÂious in preparing our athletes so that they can perform well with the end in view of improving our showing four years ago in Guangzhou in China,†dagdag pa nito.
Ang nasabing pondo ay bukod pa sa P30 milyon na gagasÂtusin ng PSC para sa actual participation ng mga atleta sa Inchoen Asiad.
Sa SCOOP Sa Kamayan On Air radio program, hinimay naman ni task force member na si Dr. Jay Adalem ang kanilang kriterya para sa mga atleta.
Ikukunsidera rito ang mga gold medalists sa nakaraang Southeast Asian Games, ang mga top performers sa international at regional, kasama ang world championships at Asian level meets sa nakaraang tatlong taon (2011, 2012 and 2013) at ang mga events na nakaiskedyul bago ang Asiad.
“In measurable sports, like track and field and swimming, an athlete, to qualify must submit their personal best, which, in turn, will be compared to Asian Games and Asian level records,†ani Dr. Adalem, kinakatawan ang Samahang Basketbol ng Pilipinas sa task force.
“In subjective sports (events where results depend on human decision), an athlete’s consistency in his/her performance in 2011, 2012, 2013 and early 2014, will be considered,†dagdag pa nito.