MANILA, Philippines - Binuksan kamakailan ang 1st Kuya Herbert CoÂlanggo Inter Faith Basketball Tournament na palaro para sa mga inmates sa Maximum Security Compound (MSC) ng New Bilibid PriÂsons (NBP) sa Muntinlupa City.
Ang kompetisyon ay ginawa sa pakikipagtuluÂngan ng Sports And Recreation Office (SARO) ng NBP at ito ay alinsunod sa RA 10592 na tumutukoy sa restorative at reformative justice.
Layunin ng liga na bigyan ng pagkakataon ang mga inmates na makapagÂlibang din at makapag-ehersisyo bukod sa pagbibigay pansin na hindi salot o mapanganib sa malayang lipunan ang mga bilanggo na dumaan sa tamang reporma ng NBP.
May P150,000.00 premÂyo ang mapapasaÂkamay sa mananalong koponan at ang kompetisÂyon ay sinang-ayunan din ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi.
Bahagi sa pagbubukas ang paggawad kay Michele Abreda ng Team St. Francis bilang Best Muse at ang Team Nazareno bilang Best Uniform.