MELBOURNE, Australia--Sinamantala ni Stanislas Wawrinka ang injury ni Rafael Nadal upang ibulsa ang kanyang kauna-unahang Grand Slam title sa pamamaÂgitan ng 6-3, 6-2, 3-6, 6-3 panalo nitong Linggo sa Australian Open final.
Hindi pa nananalo ang 28-anyos Swiss player ng set kay Nadal sa nakalipas 12 paghaharap, subalit nag-iba ang ihip ng hangin nang mula sa simula ay dinoÂmina ni Wawrinka ang laban sa Melbourne Park kontra sa 13-time major winner.
Tila kinakitaan si Nadal ng pagreretiro sa ikalawang set, nang ang kanyang likod ay sumakit at kinailangan ng medical time out, pero dahan-dahan itong bumangon matapos mabigyan ng gamot na nagtulak kay Wawrinka sa four sets.
Kampeon sa kompetisyon noong 2009, kumapit kay Nadal ang malas dahil nasibak siya noong 2010 at 2011 dahil sa injury. Hindi naman siya nakasali noong nakaraang taon dahil din sa injury.
Matatandaan na nagkaroon ng retirement sa kalagitÂnaan ng men’s finals noong1990 Australian Open nang si Stefan Edberg ay umayaw sa third sets matapos na maghati sila sa unang dalawang sets ni Ivan Lendl.
Muling humiling si Nadal ng medical time out matapos maiwanan sa set at break at sa kanyang pagbabalik siya ay nakatikim ng boos mula sa mga manonood.
At sa bawat paghingi ni Nadal ng medical time-out, naging mabangis at determinado si Wawrinka na tapusin ang laban para sa kanyang unang major title.