Bumisita si Manny Pacquiao sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC) nung Huwebes para magdulot ng inspirasyon para sa mga nananatili doon.
Nagdulot ng saya si Pacquiao sa mga bilanggo. Kita mo sa kanyang mga mata ang magkahalong tuwa at lungkot na makita ang kanyang mga kapwa.
Nagsalita sa Bisaya si Pacquiao at binigyan ang mga bilanggo ng pag-asa. Inakit niya ang mga ito na lalung mapalapit sa Diyos.
Masaya rin naman ang mga taga CPDRC sa pagÂbisita ni Pacquiao.
Hinandugan nila ang sikat na boksingero ng kaÂnilang sikat na sayaw.
Nakilala ang mga ito sa buong mundo nung 2007 nang lumabas ang kanilang video habang sumasayaw sila sa hit ni Michael Jackson na kanta na “Thriller.â€
Kumalat ang video sa Youtube at naging tourist attraction sila.
Sa harap ni Pacquiao, kumanta rin ang “Dancing Inmates†ng “Para Sa’yo ang Laban na to†na pinasikat mismo ng boksingero.
Nagtayo rin ng boxing ring sa gitna ng open area at nagkaroon ng tatlong laban habang nanonood si Pacquiao sa itaas.
Masaya ang araw na natapos sa isang pangako mula kay Pacquiao na susuportahan niya ang mga proÂyekto ng mga bilanggo.
Nais din niyang magpatayo ng mas magandang boxing ring sa loob ng CPDRC.
Habang nagsasalita si Pacquiao ay nakatingala sa kanya ang daan-daang bilanggo.
Bakas din sa kanilang mga mata ang tuwa na maÂbisita ng kanilang idol na lalaban sa April 12 laban kay Timothy Bradley.
Para sa kanila rin ang laban na ‘to.