ABAP umatras sa Thailand slugfest para sa kaligtasan ng mga boxer

MANILA, Philippines - Dahil sa nangyayaring kaguluhan sa Thailand ay nagdesisyon ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) na huwag nang sumali sa Asian Youth Championships na nakatakda sa Enero 24-31 sa Bangkok, Thailand.

Ito ay matapos itaas ng Department of Foreign Affairs sa Crisis Alert Level II ang advisory ukol sa pagbisita ng mga Filipino Nationals sa nasabing lungsod na kasalukuyang nakakaranas ng mga protest rallies.

Kamakailan ay nagdeklara ang Thai government ng isang state of emergency sa naturang siyudad at maging sa iba pang bahagi ng bansa.

Sinabi ni ABAP president Ricky Vargas na “while we hope that our  apprehensions are eventually proven unfounded, we choose to be safe rather than sorry. These are young boys aged 17-18 years old and we cannot risk their safety.”

Ang PLDT-ABAP team ay kinabibilangan nina light flyweight Dannel Maamo, flyweight Hipolito Banal, bantamweight Presco Carcosia at welterweight Sammy Bernabe Jr., habang ang mga coaches ay sina Romeo Brin at Ronald Chavez at ang delegation head ay si ABAP executive director Ed Picson.

Ang torneo ay isa sa­nang paghahanda ng tropa para sa World Youth Championships sa Sofia, Bulgaria sa Abril na siyang qualifying event para sa Youth Olympic Games sa Nanjing, China sa Agosto.

“We’ll have to look for another foreign trip for the boys to give them exposure before Bulgaria”, wika ni Vargas.

Show comments