MANILA, Philippines - Isang record-breaking na bilang ng mga coaches ang lumahok sa unang Coaches Clinic ng Jr. NBA/Jr. WNBA Philippines 2014 na inihahandog ng Alaska sa British School noong Enero 18, 2014.
Kabuuang 295 coaÂches mula sa 136 paaralan sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon Province, Mindoro, Bicol Region, Palawan, Davao, Zamboanga at LaÂnao del Sur ang suÂmali sa naturang clinic na pinamahalaan ng mga NBA coaches na sina Sefu Bernard at Chris Sumner at tinulungan ni PBA Legend Jojo Lastimosa.
Ipinakilala nina Bernard at Sumner ang mga bagong drills at plays sa mga partisipante at ipina-alala ang kalahagahan ng S.T.A.R. values ng Jr. NBA/Jr. WNBA program na ang ibig sabihin ay Sportsmanship, Teamwork, a positive Attitude and Respect.
“Great Coaches CliÂnic. We learned a lot and really paid attention to Coaches Sefu and Chris. Great workout and skills enhancement for the kids. It’s by far the best Coaches Clinic I’ve ever attended,†ani Ramon Anciro, isang coach mula sa Quezon City at Cabuyao Laguna.
Samantala, 194 plaÂyers --ang 122 ay lalaki at 28 ay babae mula sa 73 paaralan--ang lumahok sa School Clinic na idinaos noong Enero 19.
Ito ang pang-pitong sunod na Jr. NBA program para sa mga batang lalaÂking may edad 10 hanggang 14-anyos.