FEU sinuwag ang Ateneo, balik sa itaas sa UAAP football

MANILA, Philippines - Hiniritan ng 3-0 shutout panalo ng FEU ang nagdedepensang kampeon Ateneo para makabalik sa pa­ngunguna sa 76th UAAP men’s football noong Linggo sa Moro Lorenzo Footbal Field.

Hinawakan agad ng Tamaraws ang 2-0  kalamangan sa first half matapos ang goals nina Chy Villaseñor at Paolo Bugas sa 12th at 33rd minuto. Si Resty Monterona ang nagbigay ng ikatlong goal sa laro para ipagkaloob sa FEU ang nangungunang 21 puntos.

Tinablahan ng UST ang UP sa 1-1 habang nanalo ang National University sa UE, 2-1, upang maging palaban pa sa puwesto sa semifinals.

Nasa ikalawang puwesto pa ang Fighting Maroons sa 16 puntos habang ang Tigers ay may 11 puntos at angat ng isa sa Red Warriors (10 puntos).

Nakauna ang UST sa pamamagitan ni Fidel Kue habang si Gabe Mendoza ang nagpatabla sa Maroons.

Hindi nakalaro ang pambato ng UP na si Jinggoy Valmayor matapos suspindihin dahil binigyan na siya ng dalawang yellow cards sa season.

Gumawa ng goals sina Paolo Salenga at Jay Abalunan sa 10th at 16 minuto para sa NU at sapat na ito para maisantabi ang ika-6 na goal ni Fitch Arboleda ng Warriors.

 

Show comments