Talk 'n Text nagpa-load, kinuha si Canaleta sa Air21

MANILA, Philippines – Sa pagpasok sa quarterfinals, siniguro ng defending All Filipino Cup champions Talk ‘n Text na madedepensahan nila ang kanilang titulo sa pagkuha kay Nino “KG” Canaleta mula sa Airl21 Express.

Inaprubahan ni PBA Commissioner Chito Salud ngayong Lune sang trade kung saan ibinigay ng Tropang Texters sina Sean Anthony, rookie Eliud Poligrates at 2016 first round pick kapalit ni Canaleta.

Unang nakilala si Canaleta dahil sa kanyang mga highlight dunks, ngunit ngayon ay delikado na rin siyang pakawalan sa labas dahil sa kanyang swabeng outside shooting.

Nakapagtala ng 16.5 points, 6.36 rebounds at 1.36 assists per game ang 33-anyos na si Canaleta ngayong eliminations.

Inaasahang matutulungan ni Canaleta na maprotektahan ng Tropang Texters ang kanilang titulo at makuha ang ikaapat na sunod.

Makakabanggan ng Talk ‘n Text ang nag-iinit na San Mig Super Coffee Mixers sa Martes sa pagsisimula ng kanilang best-of-three quarterfinals series sa Mall of Asia Arena.

Show comments