MANILA, Philippines - Hindi pa rin nahahanap ng Ateneo ang tamang disÂkarte para tapusin ang pamamayagpag ng karibal na La Salle.
Kumana ng siyam na kills tungo sa 10 hits si Abi Marano para pangunahan ang 25-14, 25-14, 25-19, panalo ng Lady Archers sa Lady Eagles at lumawig sa walong sunod ang pagpapanalo sa Season 76 sa UAAP women’s volleyball kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Tinapatan ni Alyssa Valdez ang ginawa ni Marano sa kanyang 10 hits at siyam na kills ngunit walang sumuporta sa kanya kumpara kay Marano na naasahan sina Ara Galang na ibinuhos ang lahat ng pitong puntos sa atake.
Sina Mika Eyes at CydÂthealee Demecillo ay may tig-walo at si Kim Fajardo ay may anim bukod sa 20 excellent sets.
Tinuran ni La Salle coach Ramil de Jesus ang kahalagahan ng isang Marano dahil siya ang isa sa mga beterana sa koponan.
“Dumaan sa proseso ang mga natutunan ni Marano kaya ang kanyang kaÂranasan ang siyang naipapamahagi niya sa team,†wika ni De Jesus.
Sina Fajardo ay may dalawang blocks habang si Desiree Cheng ay may dalawang blocks at service aces para katampukan ang malakas na suporta ng La Salle na may 24-0 winning run na.
Nalaglag ang Lady Eagles sa ikatlong pagkaÂtalo matapos ang limang panalo para makalayo pa ang National University sa ikalawang puwesto sa 7-1 baraha.
Bumalik sa pagsalo sa ikaapat na puwesto ang Adamson nang kunin ang 25-15, 25-9, 25-19, panalo sa University of the Philippines sa unang laro.
Nagsanib sa 27 hits sina Amanda Villanueva at Shiela Pineda para makaÂbangon agad matapos ang kabiguan sa FEU na kaÂnilang sinaluhan uli sa 4-4 baraha.