Development Foundation ng OCA at POC para sa kabuhayan

MANILA, Philippines - Ang unang programang pinagtibay sa idinaos na pulong ng Olympic Council of Asia (OCA) General Assembly ay nakatutok sa kabuhayan at pagbibigay ng trabaho sa mga magsasaka na biktima ng bagyong ‘Yolanda’.

Nakipagkasundo si OCA president Sheik Ahmad Al-Fahad Al-Sabah kay Philippine Olympic Committee (POC) president Jose ‘Peping’ Cojuangco na bumuo ng Kuwait-Philippines Peace and Development Foundation para tugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka na muling buhayin ang mga nasalantang lupain.

Tinanggap naman ni Pangulong PNoy ang inihayag na plano ni Sheik nang magbigay ito ng kortesiya sa Palasyo nitong Huwebes.

Nitong Biyernes ay nilagdaan nina Sheik at Cojuangco ang memorandum of agreement (MOA) para sa nasabing programa na tutugon sa pangkabuhayang programa para sa mga nabiktima ng bagyong ‘Yolanda’. At partikular na rito ang mga magsasaka sa Kabisayaan.

 

Show comments