Clippers niresbakan naman ang Mavericks Heat nanlamig sa Wizards

Ang isa sa dalawang slam dunk na ginawa ni Greg Oden para sa Miami Heat.

WASHINGTON -- Nagposte ang Washington Wi­zards ng isang 34-point lead at hindi na nilingon pa ang two-time defending cham­pions na Miami Heat, 114-97.

Ipinalasap ng Wizards ang ikatlong sunod na kabiguan ng Heat.

Pinahiya rin ng Wa­shing­ton ang debut game ni center Greg Oden para sa Miami matapos ang higit sa apat na taon na pagkawala sa NBA.

Sa loob ng 8 minuto at 24 segundo, nagsalpak si Oden ng dalawang dunks pa­ra sa Heat.

Umiskor si John Wall ng 25 points, habang nagdagdag ng tig-19 sina Bradley Beal at Nene para panguna­han ang Wizards.

Itinala ng Washington ang 20-0 atake sa first quarter kung saan nakagawa si LeBron James ng tatlo sa anim na  turnovers ng Mia­mi.

Kinuha ng Wizards ang 43-18 abante sa pagtatapos ng first quarter at 64-30 sa second quarter hanggang iwa­nan ang Heat sa 69-48 sa third canto.

Tumipa si Chris Bosh ng 26 points kasunod ang 25 ni James para sa Miami.

Sa Los Angeles, buma­ngon ang Clippers mula sa isang 17-point deficit sa hu­ling 4:30 minuto ng laro pa­ra sikwatin ang 129-127 pa­nalo laban sa Dallas Mavericks.

Tumipa si J.J. Redick ng career-high na 33 points, ha­bang nagdagdag si Matt Barnes ng 25 kasunod ang 23 ni Blake Griffin at 16 ni Ja­mal Crawford, kasama di­to ang dalawang free throws na nagbigay sa Clippers ng bentahe sa huling 11 se­gundo.

Sa San Antonio, naglista si Tony Parker ng 25 points at 9 assists para igiya ang Spurs sa 109-105 panalo laban sa Utah Jazz 109-105.

Show comments