Bakit nga ba binangko ni coach Luigi Trillo ng Alaska si Calvin Abueva sa kanilang laro laban sa Globalport nung Linggo?
Nung una, ang sabi ng team officials, may sprain daw sa bukung-bukong ang 2013 Rookie of the Year kaya nanatili siya sa bench.
Natalo ang Alaska sa overtime at ngayon ay naÂngaÂnganib na matsugi sila sa PBA Philippine Cup na kilala rin bilang All-Filipino Conference.
Nag-warm-up si Abueva bago ang laro pero hindi siya pinasok ni isang segundo.
Isang araw matapos ang laro, sumingaw ang balita kung bakit talaga binangko si Abueva. Wala naman pala siyang injury.
Nalasing at nalango di umano si Abueva nung Biyernes ng gabi matapos din ang isang talo ng Alaska laban sa Meralco.
Ayon sa mga nakakaalam, inabot daw ng ala-singko ng umaga ang inuman sa isang bar sa Ortigas. Madali’t sabi, nagkasarapan.
Mahaba-habang inuman. Ewan ko lang kung nagte-text na si misis at sige pa rin ang tagay.
Dahil dito, hindi naka-attend ng ensayo si Abueva nung Sabado.
‘Di ito ikinatuwa ni coach Luigi.
Tama ang ginawa ni coach.
Sa ikauunlad ng team, disiplina ang kailangan. Di bale na kung natalo, ang importante ay naipahiwatig niya ang mensahe.
Malaki ang reponsibilidad ng isang professional na manlalaro--hindi lang sa loob ng court kundi pati sa labas.
Hindi lang habang may laro kundi bago at pagkatapos nito.
Sana naman ay natuto si Abueva sa nangyari.
Maging aral sana sa kanya ito.
Hinay-hinay lang sa inom. Alalay lang sa tagay.
Marami pang araw.