CV spikers winalis ang Shakey’s elims

MANILA, Philippines - Bumangon ang Central Visayas mula sa ikalawang set na pagkakadapa upang takasan ang New Zealand sa deciding set sa iskor na 25-16, 22-25, 25-20 at kumpletuhin ang kanilang sweep sa Pool B sa Shakey’s Girls’ Volleyball League Season 11 Tournament of Champions sa Ninoy Aquino Stadium kahapon.

Matapos walisin ang unang tatlong kalaban, tampok ang 25-23, 30-28 panalo laban sa Southern Luzon champion La Salle-Lipa, nangapa ang Central Visayas sa atake ng bisitang koponan. Subalit agad ding nakablik ang spikers mula sa University of San Jose-Recoletos sa third set at kanilang nalusutan ang Kiwis na nagdala sa kanila sa No. 1 spot sa Pool B.

Humataw si Mary Pacres ng 13 kills at da­la­wang blocks, habang nagdagdag si Jessa Marie Jorquia ng pitong atake at limang service aces para sa CV na haharapin ang No. 2 sa Pool A sa crossover semis sa event na itinataguyod ng Shakey’s  at inorganisa ng Metro Sports.

Sa kabila ng kanilang 2-1 kartada, mapapalaban pa rin ang Kiwis sa semis kung saan sasagupain nila ang No. 1 squad sa Pool  A.

 Nauna rito, inangkin din ng Western Visayas ang isang puwesto sa semis sa Pool A nang dispatsahin ang Northern Luzon, 25-11, 19-25, 25-14 sa torneong suportado rin ng Mikasa, Asics, Tune Hotel, Burlington, BioFresh, Food Health at Science Magazine.

Mapapalaban din ang Central Visayas sa Final Four sa Pool B nang kanilang itakas ang 25-23, 30-28 tagumpay laban sa SLU noong Martes.

Show comments