Giants pasok sa quarters

Laro Bukas

 (JCSGO Gym)

12 nn Boracay Rum

vs Wangs Basketball

2 pm Jumbo Plastic

vs Cebuana Lhuillier

4 pm Blackwater Sports vs NLEX

 

MANILA, Philippines - Binuhay nina Elliot Tan at Jan Colina ang laro ng Jumbo Plastic sa ikatlong yugto para kunin ang 86-72 panalo sa Boracay Rum sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Trinity University of Asia gym.

Tumapos si Tan taglay ang nangungunang 17 puntos habang may 16 si Colina at ang dalawa ay nagsama sa 13-3 palitan upang ang anim na puntos na kalamangan sa  first half ay lumobo sa 45-29.

“I thought we played smart today,” wika ni Giants coach Stevenson Tiu na tinambakan ng NLEX, 70-89, bago ang larong ito.

Umangat  sa 9-3 bara­ha ang Jumbo Plastic at nakatiyak na sila ng puwesto sa quarterfinals katulad ng Big Chill (10-1) at Road Warriors (7-1).

Si Chris Banchero ay mayroong 16 puntos habang si Stephen Siruma ay may 12 para sa Waves na bumaba sa ika-siyam na puwesto sa 5-6 baraha.

Tumibay din ang pag­hahabol sa puwesto sa su­sunod na round ang Blackwater Sports sa 94-80 paggapi sa Derulo Accelero.

May 31 puntos si Je­richo Cruz at ang nagkam­peon sa nakaraang confe­rence ay may 6-3 baraha para okupahan ang ika­anim na puwesto.

Show comments