Kahit hindi sumali sa 2013 Sea Games: Wesley ibinilang pa rin ng PSC sa priority list

MANILA, Philippines - Mananatili si Filipino Grandmaster Wesley So bi­lang isa sa mga ‘priority athletes’ na nasa ilalim ng pa­ngangalaga ng Philippine Sports Commission (PSC).

Si So ay hindi sumali sa 2013 Southeast Asian Games sa Myanmar na da­pat ay nagresulta sa kan­yang pagkakaalis sa ta­laan.

Pero ayon kay PSC chairman Ricardo Garcia, hindi nila gagawin ito dahil ki­nikilala nila ang pagkapa­nalo ni So sa World Univer­siade sa Kazan, Russia.

“Si Wesley ay nakapasok sa priority list dahil sa pag­kapanalo niya ng gold sa Indonesia SEA Games. Pe­ro hindi siya sumali sa Myanmar SEA Games ka­­ya dapat ay tanggal na si­ya. Buenas lang siya dahil nanalo siya sa Universiade and since ang Universiade is a higher level tournament than the SEA Games, that gave him the privileged to re­main in the list,” wika ni Gar­cia.

Ang ikatatanggal ni So sa talaan ay kung mangyari ang mga bali-balitang lilipat na siya ng pederasyon.

Si So ay isang chess scholar sa Webster Univer­sity sa ilalim ng SPICE prog­ram ni dating World wo­men’s champion Susan Polgar.

Ang pamilya ni So ay naninirahan na sa Canada at may balita na aampunin si So ng Canada bilang ka­nilang manlalaro.

Nakipagpulong na ang ama ni Wesley na si William kay Garcia at tiniyak na hindi mangyayari ito.

Hindi kasama ang chess sa Asian Games sa In­cheon, Korea pero maglalaro si So sa World Chess Olympiad sa Tromso, Norway sa Agosto 1-14.

Sa kasalukuyan ay ni­rerebisa ng PSC ang tala­an ng manlalaro na nasa lis­tahan dahil ang mga da­ting nakasama na natalo sa Myanmar ay aalisin na at papalitan sila ng mga man­lalarong naghatid ng medalya sa Myanmar.

Ang gold medalist na isasali sa programa ay ta­tanggap ng P40,000.00, ang silver medalist ay may P30,000.00 at ang bronze medalist ay may P25,000.00 buwanang al­lo­wances.

 

Show comments