Saints inilampaso ang Mariners

MANILA, Philippines - Binanderahan nina Gil Marte at Mark Dulalia ang St. Claire Saints sa 110-52 paglampaso sa Philippine Merchant Marine School Mariners sa 21st National Capital Region Athletic Association (NCRAA) men’s basketball tournament kahapon sa San Andres gym sa Manila.

Umiskor sina Marte at Dulalia ng tig-13 points, habang nag­dagdag sina Jayson Ibay at Dennis Santos ng tig-12 para sa Saints.

Ito ang ikaanim na sunod na panalo ng St. Clare para pangunahan ang torneo.

Samantala, tumipa si Jestoni Bacla-an ng 41 points para igiya ang Emilio Aguinaldo College-Cavite Vanguards sa 89-85 panalo sa Philippine School of Business Administration Jaguars.

Ito ang unang panalo ng Vanguards sa anim na laro.

Sa women’s action, tinalo ng La Salle-Dasmariñas La­dy Patriots ang Philippine Merchant Marine School La­dy Mariners, 110-52.

Show comments