Bynum ipinalit ng Cavaliers kay Deng ng Bulls

CHICAGO — Dinala ng Cleveland Cavaliers si center Andrew Bynum sa Chicago Bulls para makuha si forward Luol Deng.

Bukod kay Bynum, ipi­na­migay din ng Cavaliers sa Bulls ang tatlong future draft picks.

Si Deng ay dalawang be­ses na nahirang sa All-Star, ngunit siya ay magi­ging isang free agent matapos ang season.

Nawala ang hangarin ng Bulls na makamit ang NBA crown nang muling mag­karoon ng knee inju­ry si All-Star guard Derrick Rose.

“We have great respect for Luol Deng, as a player and a person. He has been an incredible contributor to our team on the court, and he has also done great things in the community,” ani Bulls general manager Gar Forman sa isang statement.

Nagtala si Deng ng career-best na 19 points per game ngayong season at palagiang nagiging miyembro ng All-Defensive team.

Masaya naman ang Ca­valiers sa kanilang pagtanggap kay Deng.

Show comments