MINNEAPOLIS--Pinagtulungan nina Kevin Love, Nikola Pekovic at ng Minnesota Timberwolves si Kevin Durant ng Oklahoma City Thunder.
Dismayado sa kanyang inilaro sa first half, bumawi si Durant sa fourth quarter para tulungan ang Thunder sa 115-111 panalo laban sa Timberwolves.
Humugot si Durant ng 23 sa kanyang season-high na 48 points sa fourth quarter at isinalpak ang isang basket sa natitirang apat na segundo para ibangon ang Thunder mula sa isang 13-point deficit.
“I just hear a lot of stuff and I just wanted to come through for my team in the fourth quarter,’’ sabi ni Durant sa kanyang pakikiÂpag-trash talk sa bench ng Wolves.
Tumipa si Durant ng 7-for-11 fieldgoals shooting at kumonekta ng apat na 3-pointers sa final quarter upang itayo ang Thunder buhat sa dalawang sunod na home loss.
Tumapos naman si Love na may 30 points, 14 rebounds at 5 assists para sa Wolves.
Ngunit apat na free throws ang naimintis ni Love sa huling 27 segundo na nagpaguho sa Minnesota.
Ang huling tatlong puÂmaltos niyang free throws ay nang ma-foul siya sa 3-point line sa huling 2.2 segundo.
Sa Sacramento, kumana si Kemba Walker ng 30 puntos at nagdagdag si Al Jefferson ng season-high 27 at wakasan ng Charlotte Bobcats ang season-high five-game losing streak sa pamamagitan ng 113-103 panalo laban sa Kings.
Sa iba pang laro, tinalo ng Philadelphia Sixers ang Portland Trail Blazers, 101-99.