Fajardo magbabalik sa Enero 8

Laro sa Enero 4

(Mall of Asia Arena, Pasay City)

3:30 p.m. Talk ‘N Text

vs Alaska

5:45 p.m. Meralco

vs Air21

 

MANILA, Philippines -Matapos hindi makita sa dalawang huling laro ng Petron Blaze ay inaasahan magbabalik sa aksyon si 6-foot-10 sophomore center June Mar Fajardo sa Ene­ro 8 sa kanilang laban ng Barako Bull sa 2013-2014 PBA Philippine Cup.

Si Fajardo ay nagkaro­on ng right  knee injury nang makabangga si Doug Kra­mer sa kanilang team prac­tice.

Nadismaya ang mga fans nang hindi maglaro si Fajardo sa kanilang unang paghaharap ni seven-foot rookie Greg Slaughter ng Ba­rangay Ginebra noong Disyembre 25.

Namayagpag si Slaughter katuwang si 6’8 Japeth Aguilar para igiya ang Gin Kings sa 97-83 panalo kontra sa Boosters.

Bago ito ay natalo mu­na ang Petron sa Rain or Shine, 95-99, noong Dis­yembre 21 matapos iposte ang matayog na 7-0 record. 

Bumangon naman ang Boosters nang gibain ang three-time defending champions na Talk ‘N Text,  105-91, noong Disyembre 28 para pigilin ang kanilang two-game losing skid..

Patuloy na pinamunuan ng Ginebra ang torneo mula sa kanilang 9-1 record kasunod ang Petron (8-2), Rain or Shine (7-3), Talk ‘N Text (6-3), Alaska (4-6), (Globalport (4-6), Barako Bull (4-7), San Mig Coffee (3-7), Meralco (3-7) at Air21 (2-8).

Show comments