Adufina, Balibalos wagi sa Aerobics Marathon

MANILA, Philippines - Dalawang taga-Quezon City ang nakitaan ng husay sa pag-e-aerobics nang kanilang kunin ang panalo sa 41-55 age groups sa sa Aerobics Marathon kahapon sa Quezon City Memorial Circle.

Si Noel Adufina, edad 48 at tubong Barangay Pinyahan at si Mimi Balibalos, edad 49 at taga-11th Jamboree Street sa Kamuning, ang mga pinakamahusay sa kanilang kategorya sa kalalakihan at kababaihan para sungkitin din ang P2,000.00 unang premyo.

Mahigit sa 200 mahilig mag-aerobics ang tumugon sa hamon ng Philippine Sports Commission (PSC) na siyang nagsagawa ng kompetisyon bilang huling event sa Laro’t Saya Play and Learn Sports program sa 2013 sa Circle.

Nakasama sa mga nanalo sina Guy Panotes at Meriam Adaya na dinomina ang 18-to-40 category.

Hindi rin nasayang ang pagsali nina Khris Quindoza at Adelaida Gatchealejo nang kuminang sa dalawang kategorya.

Si Quindoza ay pumangalawa kay Panotes sa 18-40 at kinilala pa sa wackiest dancer sa kalalakihan.

 

Show comments