MANILA, Philippines - Gumawa ng mga kasaysayan ang Cagayan Valley at TMS-Philippine Army sa dalawang woÂmen’s commercial volleyball leagues sa bansa sa taong 2013.
Ibinalik ang Pambatong manlalaro na nakatulong sa koponan nang pumaÂngalawa sa nagdaang edisyon at pinalakas ng pagpasok ng mga Thai imports na sina Kannika Thipachot at Phomia Soraya, naging kauna-unahang koponan ang Lady Rising Suns na naka-sweep tungo sa titulo sa pinaglabanang Shakey’s V-League Open conference.
Hindi natalo ang tropang hawak ni coach Nestor Pamilar matapos ang 16 laro at ang pinabagsak nila ay ang Smart-MayÂnilad tungo sa kampeoÂnato.
Ang huling laro ng Cagayan ay nauwi sa five-sets, 25-16,19-25, 25-15, 22-25, 15-7, at sa laban na ito lumabas ang ipinagmamalaking pagtutulungan na siyang ginamit ng koponan tungo sa makasaysayang pagtatapos sa ligang inorÂganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Sina Thipachot at Angeli Tabaquero ay may 24 at 18 hits at gumawa ng pinagsamang 36 kills para tapatan ang malalakas na spikers ng Smart-Maynilad sa pangunguna nina Dindin Santiago, Alyssa Valdez at Thai import Lithawat KeÂsinee.
Pinamahalaan naman ni Soraya ang opensa ng koponan sa kanyang 53 excellent sets upang siya ang parangalan bilang Finals MVP.
Sa kabilang banda, ang Lady Troopers ang lumabas bilang pinakamahusay sa dalawang conferences na inihandog ng bagong tatag na Philippine Super Liga (PSL).
Unang namayagpag ang TMS-Army sa Invitational Conference noong Hulyo nang kunin ang 25-15, 25-18, 14-25, 25-16, panalo sa HD Spikers dala ng mahusay na pagtutuluÂngan nina Jovelyn Gonzaga, MJ Balse at Joanne Bunag.
Nagbalik ang PSL noong Nobyembre para sa Grand Prix na kung saan ang mga kasali ay may bitbit na dalawang imports ngunit hindi nakaapekto ito sa hangaring tagumpay ng Lady Troopers.
Bitbit ang mahusay na Thai import na si Wanitchaya Luangtonglang na isinama sa mga inaasahang locals, kinalos uli ng TMS-Army ang Cignal sa apat na sets, 25-14, 22-25, 25-17, 25-20, para sa sweep sa dalawang PSL titles.
Bigo man ay may ipinagmalaki rin ang HD SpiÂkers dahil sila ang nagpatalsik sa naunang pinaborang PLDT MyDSL sa semifinals, 17-25, 25-22, 21-25, 27-25, 16-14.
Ang Speed Boosters na ipinarada ang mahuhusay na American imports na sina Savannah Noyes at Kaylee Manns ay patok na pumasok sa Finals matapos ang 5-0 sweep sa classification round para umabante na agad sa Final Four.
Kasama rin sa mga nagÂpasikat ay ang National University at ang PLDT MyÂDSL na hinirang na kamÂpeon sa Shakey’s V-League first conference at sa kauna-unahang men’s league ng PSL na inorgaÂnisa ng Sports Core.
Sa pangunguna ng nagtatangkarang magkapatid na sina Dindin at Jaja Santiago, nagawang isantabi ng Lady Bulldogs ang 1-0 kalamangan na hawak ng Ateneo matapos ipanalo ang sumunod na dalawang laro tungo sa 2-1 tagumpay sa best-of-three Finals para sa Collegiate division.
Gumawa naman ng kruÂsyal na hit si Alnasip Laja na sinundan ng spiking error ni PJ Rojas para ibigay sa Speed Boosters ang 28-26, 25-16, 20-25, 22-25, 16-14, panalo sa Systema tungo sa PSL men’s title.