MANILA, Philippines - Tinalo ng National UniÂversity ang La Salle-Zobel, 15-25, 23-25, 25-8, 25-22, 15-10, para makumÂpleto ang first round sweep sa UAAP Season 76 high school volleyball kamaÂkailan sa UE Caloocan gym.
Ito ang ika-limang sunod na panalo ng Lady BullÂpups upang ipakita ang kakayahang manalo kahit wala na ang 6’4 na si Jaja Santiago na naglalaro na sa senior team Lady Bulldogs.
Tinapatan ng Bullpups ang malinis na karta ng girls team nang pabagsakin ang nine-time champion UE, 12-25, 25-21, 26-24, 26-24, sa boys division
Ang UST ang pumaÂngaÂlawa sa NU sa girls diÂvision sa 4-1 baraha at pinabagsak nila sa huling laro ang Adamson, 25-14, 25-20, 25-14.
Ang La Salle-Zobel ang nasa ikatlong puwesto sa 3-2 baraha at iniinda nila ang pagkawala ni dating MVP Kim Dy.
Nasa ikalawang puwesto sa boys division ang UE sa 4-1 baraha habang ang Ateneo na nanaig sa La Salle-Zobel, 25-18, 25-18, 25-22, ang nasa ikatlong puwesto sa 3-2 karta.
Magbabalik ang liga sa Enero 11 sa pagsisimula ng second round.