AdU wala pang talo sa UAAP sotfball

MANILA, Philippines - Hindi pa rin natatalo ang Adamson University sa UAAP softball na nagsimula tatlong season na ang nakaraan.

May 37-0 karta ang Lady Falcons mula Pebrero 13, 2010 para magsilbing record sa pinakamahabang winning streak sa anumang liga sa bansa.

Sa 76th season, ang Adamson ay mayroong 3-0 karta na kinuha sa UST (10-0), UE (7-0) at La Salle (12-1).

Ang National University na siyang tinalo ng Adamson sa finals noong nakaraang taon, ang siya muli  nilang karibal matapos pantayan ang 3-0 baraha mula sa 9-3 panalo sa la Salle, 8-5 panalo sa UP at 12-2 panalo sa Ateneo.

Ang kinasasabikang tagisan ng dalawang wala pang talong koponan ay mangyayari sa Enero 4 sa ganap na ika-1 ng hapon sa Rizal Memorial Diamond.

Ang UP ang nasa ikatlong puwesto sa 2-1 baraha kasunod ng La Salle at UE na may 1-3 at ang Ateneo ay hindi pa nananalo matapos ang apat na laro.

Show comments