NAY PYI TAW--Sumigla dahil sa kanilang six-gold medal performance, tumitingin ang athletics team ng bagong officer-in-charge na si Philip Ella Juico sa pagbiyahe sa United States para sumailalim sa pagsasanay sa paggiya ng mga US coaches at makipagsabayan sa mahuhusay na atleta sa 2014 Asian Games at sa 2015 Southeast Asian Games.
Sinabi ni American coach Ryan Flaherty, nasa likod ng matagumpay na kampanya ng 24-member track and field team sa 27th Southeast Asian Games sa Myanmar, na irerekomenda niya ang isang 20-member Filipino team na magsanay sa US simula sa Pebrero.
“The spring training will be from February to April when competitions in the US are held on a weekly basis,†wika ni Flaherty, kinuha ng Philippine Sports Commission para maging strength and conditioning coach ng track and field team sa Baguio City.
Bilang bahagi ng kanilang training, sinabi ni Flaherty na lalahok ang naturang mga atleta sa 20 tournaments katapat ang mga professionals at collegiate players.
Idinagdag pa niyang para makasabay ang bansa sa SEA Games ay kailangan nitong magpakahusay matapos ang Myanmar SEA Games.
“We must work out a long-term program that will ensure a flow of talents and our competitiveness in the next SEA Games, which is only one and half years from now,†wika ni Flaherty.
Tumapos ang bansa sa athletics event ng Myanmar SEA Games na may 6-4-3 gold-silver-bronze medals.
Naungusan nito ang 2-9-5 output ng 2011 team.