NAY PYI TAW--NaguÂgulat si athleÂtics team maÂnager Philip Ella Juico sa mainit na ipiÂÂnakikita ng pambansang manlalaro sa 27th SEA Games sa Wunna Theikdi Sports Complex.
“This is already way beyond my expectations,†wika ni Juico, ang dating chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) at siyang inaasahan na papalit kay Go Teng Kok bilang pangulo ng PATAFA sa Enero.
Apat na ginto na ang naipagkaloob ng track and field delegation at si Christopher Ulboc Jr. ang huling kuminang sa men’s 3000m steeplechase na ginawa kahapon.
Naorasan ang dating FEU runner ng siyam na minuto at isang segundo upang manaig sa hamon ng isang Thai at VietnaÂmese runner.
Ang 5-time SEAG champion na si Rene Herrera ay pumang-apat na lamang sa 9:09 tiyempo.
Naunang nanalo ay sina Henry Dagmil, Archand Christian Bagsit at Fil-Am Eric Cray sa men’s long jump, 400m run at 400m hurdles.
“I am very happy with their performance. They are showing that they have the heart and the ability to compete with our neighbors,†dagdag ni Juico na vice-chairman ng PATAFA sa kasalukuyan.