NAY PYI DAW--Dahil sa kabiguang makapagdala ng sarili nilang mga bangka, nabigo ang mga Filipino paddlers sa kani-kanilang sinalihang events sa canoe at kayak.
Kapwa dumanas ng pagkatalo sina Hermie Macaranas at Alex Generalo sa 27th Southeast Asian Games Thursday kahapon dito sa Ngalike Stadium.
Pumang-apat si Macaranas sa men’s C1 500m, samantalang tumapos sa ikaanim si Generalo sa men’s K1 500m.
Ang Philippine Canoe-Kayak Federation (PCKF) ay hindi nagdadala ng ka-nilang sariling mga bangka sa mga nilalahukang international competitions dahilan sa kamahalan sa shipment.
Mas mahal ang kaniÂlang gagastusin sa Myanmar SEA Games kung dinala ang kanilang mga bangka dahil dalawang connecting flights ang kanilang ginawa para makarating sa competition venue.
“Nanghiram lang kami ng bangka sa Myanmar,†wika ni Macaranas, kinuha ang bronze medal sa men’s C1 1000m race. “Pero ‘yung bangka na ipinahiram sa amin, mas-yadong malaki kaya hirap kami lumaban sa malakas na hangin. Masyadong maÂbigat.â€
Idinagdag pa ng 18-anyos na si Macaranas ng Pangasinan na kinailaÂngan niyang gamitin ang Fighter 1000 boat na mas malaki kumpara sa ginamit niyang Fighter 200 boat sa pagsikwat sa gold medal sa 2013 Philippine National Games.
Magbabalik sa pagsagwan sina Macaranas at Generalo ngayon sa men’s C1 200m at K1 200m, ayon sa pagkakasunod.