Sinag at Perlas nagposte ng panalo sa men’s at women’s basketball

MANILA, Philippines - Gumawa ng 16 puntos at 10 rebound si Mark Belo para pangunahan ang ma­lakas na produksyon ng bench upang tulungan ang Philippine men’s basketball team sa 88-75 panalo sa Singapore sa pagbubukas ng kampanya sa 27th SEA Games kahapon sa Zayar Thri Indoor Stadium, Nay Pyi Taw, Myanmar.

Pinahirapan ng Singa­poreans ang Sinag hang­gang sa kalagitnaan ng ikat­long yugto bago guma­na ang kamay ng mga pa­ma­lit patungo sa paglista ng unang panalo sa pitong bansang liga.

Sina Kevin Ferrer at Bob­­by Ray Parks, Jr. ay nag­dala ng 14 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod, at ang kanilang magkasunod na tres ang nagpasiklab sa  8-0 bomba para tuluyang ta­bunan ang 51-50 iskor pa­bor sa kalaban.

Si Kiefer Ravena ay nag­dagdag ng siyam na puntos at ang Sinag Pilipinas ay uma­ni ng 51 bench points laban sa 18 lamang ng Singaporeans na natalo sa ikalawang sunod na pagkakataon.

Ang 6-foot-11 na si Marcus Douthit ang nag-iisang starter ng tropa ni coach Jong Uichico sa 14 puntos bukod sa 10 boards at 2 blocks.

Balik-laro ang Nationals ngayong  hapon at pinapa­borang  makuha ang ikalawang sunod na tagumpay kon­tra sa Cambodia.

Pero sa aktuwal na laban ay hindi nila nailabas ang  larong inaasahan sa ka­nila para masabing talsik na sa tagisan para sa gintong medalya.

Ang mangungunang ko­ponan matapos ang single-round robin ang siyang  ki­kilalaning kampeon.

Bago ito ay kuminang din ang women’s team nang pabagsakin ang Malaysia, 65-59.

Iniwan kaagad ng kopo­nan ang 13-time champion na Malaysians ng 20 puntos at sa­pat na ito para sa kanilang unang panalo sa torneo.

 

Show comments