Mga ex-Athletes of the Year imbitado sa PSA Awards Night

MANILA, Philippines - Tinatawagan ng Phi­lippine Sportswriters Association (PSA) ang lahat ng mga dating Athletes of the Year kaugnay sa pag­daraos ng 2013 Annual Awards Night sa Enero ng susunod na taon.

Ang lahat ng tumanggap ng nasabing parangal mula sa PSA ay maa­aring makipag-ugnayan sa pamamagitan ng email na philsportswritersassociation@gmail.com o sa mobile numbers na 0917-5094400, 0917-5435713 at 0932-8464233.

Layunin din ng PSA na palawakin ang data base nito para sa listahan ng mga Athletes of the Year.

Kabilang sa mga multiple recipients ng Athletes of the Year honor ay sina Hall of Famers Manny Pac­quiao, Paeng Nepomuceno, Lydia De Vega at Bong Coo.

Noong nakaraang taon ay iginawad ng pinakamatandang media organization sa bansa ang PSA Athletes of the Year award kina boxers Nonito Donaire Jr. at Josie Gabuco at sa five-time UAAP men’s basketball champion Ateneo at Big League World Series champion Team Manila.

Show comments