MANILA, Philippines - Binuhay ng Boracay Rum at Wangs Basketball ang kanilang laban para makaabante sa susunod na yugto ng kompetisyon matapos talunin ang mga nakalaban sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Gumana sina Chris Banchero, Stephen Siruma at Roider Cabrera para bigyan ang Waves ng 71-63 panalo sa Arellano habang muling nakita ang magandang team work ng Couriers para sa 81-71 panalo sa Derulo Accelero.
Tumapos si Banchero bitbit ang 20 puntos at pinawi niya ang 5-of-13 shooting sa 10-of-12 sa free throw line habang sina Siruma at Cabrera ay naghati sa 22 puntos.
Si Siruma ay hindi suÂmablay sa dalawang tres habang si Cabrera ay may tatlo ring triples at ang tropa ni coach Lawrence Chongson ay umakyat sa 3-5 baraha.
Isang 12-2 bomba ang pinakawalan ng Waves matapos ang huling pagdikit ng Chiefs sa 48-49 upang ipalasap sa katunggali ang ikapitong pagÂkabigo sa walong laro.
“Natapat agad kami sa malalakas. Pero challenge ito sa amin and hopefully, things would be better,†wika ni Chongson.
Apat na manlalaro ng Wangs ang nasa double-digits para agad na makabangon ang koponan mula sa 59-75 pagkadurog sa Jumbo Plastic sa huling laro.
Si Michael Juico ay may 25 puntos bukod pa sa limang assists at tatlong steals habang sina John Lopez, Jonathan Banal at Macky Acosta ay may 14, 11 at 10 puntos at ang Couriers ay may 3-4 baraha.
May siyam na puntos si Lopez sa isinulong na 21-11 palitan upang ang isang puntos na kalamangan ng Wangs ay lumobo sa 11, 63-52, sa pagtatapos ng ikatlong yugto.
Si Jackson Corpus ay mayroong 19 puntos habang 15 ang ibinigay pa ni Raul Soyud para sa Oilers na hindi nasakyan ang momentum sa paghablot ng unang panalo sa Chief, 82-75, para malaglag sa 1-7 baraha.