Hog’s Breath nagsolo sa 2nd

Laro Bukas

(Blue Eagle Gym, Katipunan, Quezon City)

10 a.m.  Jumbo Plastic

 vs Wang’s Basketball

12 nn  Arellano

vs Derulo Accelero

2 p.m. Hog’s Breath

vs NLEX

 

MANILA, Philippines - Lumawig pa sa apat ang pagpapanalo ng Hog’s Breath Café habang kinubra ng Blackwater Elite ang ikaapat na panalo sa limang laro nang pataubin ang mga nakalaban sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Blue Eagle Gym sa Katipunan, Quezon City.

Naglaglag ng 10 sa kanyang 19 puntos si Philip Paniamogan sa ikatlong yugto upang iwanan ang Cebuana Lhuillier tungo sa 93-69 panalo.

Gumana rin ang kamay nina Jamil Gabawan, Bacon Austria at Francis Allera para gawing 72-55 ang lamang ng Razorbacks mula sa 47-46 iskor.

Si Gabawan ay naghatid pa ng 14 puntos, si Austria ay mayroong 10 at si Allera ay may pito, lima sa ikatlong yugto upang iwanan ang dating kasalo sa pangalawang puwesto na NLEX.

“We luck height but we made up for it with our running game,” wika ni Razorbacks coach Caloy Garcia.

Sina James Martinez at Paul Zamar ay gumawa ng 18 at 14 puntos pero naram­daman ng Gems ang pagkawala ni Roi Sumang na nakasama ng UE sa PCCL upang bumaba sa 1-4 baraha.

Humugot naman ang Blackwater Sports ng magandang suporta sa bench para katampukan ang 91-69 pangingibabaw sa Zambales M-Builders.

Hindi sumablay sa apat na attempts si Jericho Cruz sa ikalawang yugto para pangunahan ang 27-8 palitan na nagbigay sa Elite ng 44-22 kalamangan.

Ito ang ikaapat na pagkatalo sa amin na laro ng M-Builders.

Show comments