Romeo nagpasiklab sa panalo ng B-Pier

MANILA, Philippines - Umagaw ng eksena si rookie guard Terrence Romeo matapos humugot ng 26 sa kanyang career-high 34 points sa second half para igiya ang Globalport sa 114-100 panalo kontra sa Air21 sa kanilang unang panalo sa 2013-2014 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nagsalpak si Romeo, ang fifth overall rookie pick mula sa Far Eastern University, ng limang three-point shots sa second half para sa Batang Pier.

Sa ikalawang laro, inangkin ng Petron Blaze ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos gibain ang three-time defending champions na Talk ‘N Text, 77-63.

Umiskor si 2013 PBA Most Valuable Player Arwind Santos ng 15 points para sa Boosters kasunod ang 13 ni Marcio Lassiter, 12 ni Chris Lutz at tig-10 nina June Mar Fajardo at Doug Kramer.

Mula sa isang one-point halftime lead ay pinalaki pa ito ng koponan ni rookie coach Ritchie Ticzon sa 101-82 sa gitna ng final period.

“It’s a good thing we were able to make our three-point shots because now we shot 10-of-27,” sabi ni Ticzon.

Nanggaling ang Batang Pier sa 87-97 kabiguan sa Boosters noong Miyer­kules.

 Nagdagdag si Jay Washington ng 19 points at 12 rebounds, habang may 14 markers, 7 assists at 4 boards si guard Sol Mercado para sa Globalport.

Globalport 114 - Romeo 34, Washington 19, Mercado 14, Ponferrada 8, Menk 7, Salvador 7, Garcia 7, Belencion 6, Najorda 6, Salvador 4, Hayes 2.

Air21 100 - Yeo 24, Taulava 21, Jaime 13, Canaleta 11, Custodio 8, Manuel 8, Camson 6, Espiritu 3, Sharma 3, Ritualo 3, Menor 0, Arboleda 0.

Quarterscores: 20-18; 47-46; 83-74; 114-10.

Petron 77 - Santos 15, Lassiter 13, Lutz 12, Fajar­do 10, Kramer 10, Hubalde 8, Ross 6, Deutchman 3, Duncil 0.

Talk N’ Text 63 - Castro 15, Baclao 10, Alapag 9, Fonacier 8, Anthony 7, Poligrates 4, Williams 3, Aban 2, Ferriols 2, Carey 2, Peek 1, Reyes 0.

Quarterscores: 22-12; 55-32; 68-51; 77-63.

 

Show comments