Azkals tumabla sa India

MANILA, Philippines - Nabigo ang Philippine Azkals na samantalahin ang kanilang lakas matapos isuko ang 1-1 draw laban sa India sa kanilang internatio­nal friendly game sa Kanchenjunga Stadium sa Siliguri, India noong Biyernes.

Tinulungan ni Fil-German Stephan Schrock ang Azkals sa pagkuha ng po­sesyon at sa pagkakaroon ng ilang tsansa sa goal.

Ngunit halos lahat ng sipa ng mga Pinoy booters ay hindi pumapasok laban sa mas mahinang Indians.

Si team captain Sunil Chhetri ang nagbigay sa India ng 1-0 bentahe mula sa kanyang header galing sa pasa ni Mehtab Hossain sa 43th minute.

Ito ang ika-42nd international goal ni Sunil na ipinagdiwang ng Blue Tigers.

Kaagad namang sumagot ang Azkals nang bigyan ng magandang pasa ni James Younghusband ang kanyang kapatid na si Phil para makatabla sa sumunod na minuto.

 Nakakonekta si Phil ga­ling sa low cross ni Schrock sa 67th minute, ngunit ito ay itinawag na offside.

Lumampas naman ang header ni Jeje Lalpekhlua sa huling opensa ng India.

 â€œThe last header,  which India missed luckily, sailed over,” wika ni Azkals coach Michael Weiss sa match report na nakaposte sa website ng All India Football Federation.

Show comments