Laro sa Miyerkules
(Ynares Sports Arena, Pasig City)
2 pm TMS-Army
vs PLDT (W)
4 pm RC Cola
vs Cagayan (W)
6 pm Giligan’s
vs PLDT-My DSL (M)
MANILA, Philippines - Sinamantala ng nagdeÂdepensang kampeon TMÂS-Army ang pangangapa pa ng mga bagong setters ng Cagayan Valley tungo sa 19-25, 25-14, 25-14, 25-17, panalo at solohin ang liderato sa Philippine SuperLiga Grand Prix kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Si Cristina Salak ang naÂmahala sa pag-atake ng Lady Troopers nang angkinin ang 46 sa 48 excellent sets ng koponan at ang mga nakinabang ay sina Thai import Luangtonglang Wanitchaya, Mary Jean Balse, Jovelyn Gonzaga at Jacqueline Alarca.
“Nagpalit sila ng setter at alam namin ang laro ng mga locals nila. Nakatulong din ang magandang laro ng mga guest players namin,†wika ni TMS coach Rico de Guzman.
Pinaigting naman ng Cignal HD ang kanilang paglalaro mula sa ikalawang set para sungkitin ang unang panalo matapos ang dalawang laro sa 17-25, 25-19, 25-16, 25-18, tagumpay sa Petron Blaze sa ikalawang laro.
Si Li Zhan Zhan ng HD Spikers ay mayroong 23 puntos para itulak ang katunggali sa huling puwesto sa 0-2 baraha.
May 23 hits tampok ang 20 kills si Wanitchaya habang ang Japanese libero na si Yuki Murakoshi ay may 19 excellent digs.
Nauna rito ay hindi masÂyadong ginamit ni De Guzman si Murakoshi sa naipanalong unang laro laban sa RC Cola dahil sa problema sa komunikasyon.
“Maganda na ang komunikasyon. Pero madali siyang mapagod dahil sanay sa air-conditiones venues,†ani De Guzman.
Sina Balse at Gonzaga ay naghatid pa ng tig-11 hits at 10 ang kay Alarca upang makapagdomina ang TMS sa huling tatlong sets.
Bumaba ang Lady RiÂsing Suns sa 1-1 baraha at sila ay pinangunahan nina Thai Import Yanida Kotruang at Aiza Fontillas sa tig-13 hits.
Ang pagkatalo sa ligang inorganisa ng Sports Core at may basbas ng International Volleyball Federation (FIVB) ang tumapos sa 17-game winning streak ng Cagayan na kinatampukan ng 16-0 sweep nang mag-reyna sa V-League.