MANILA, Philippines - Lumakas ang inside game ng National men’s basketball team na naghahanda sa Myanmar SEA Games nang isama sa talaan si NCAA MVP Raymond Almazan sa line-up.
“SBP deputy secretary-general Bernie Atienza calls the SEA Games Task Force to inform us to include the name of Mr. Raymond Almazan in the men’s basketball line-up,†wika ni SEAG TF member Paul Ycasas sa SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura at suportado ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Kahit ang women’s team ay nagkaroon ng pagÂbabago sa line-up nang palitan ni coach Haydee Ong sina Maria Llalani Flormata at Merenciana Arayi nina UAAP women’s MVP ng FEU Camille Sambile at ang nagbabalik na si Angeli Gloriani.
Ang wushu ay nagpalit din ng manlalaro nang tinanggal si Dembert Arcita at ipinasok si Benjie Rivera.
Sina Almazan, Sambile, Gloriani at Rivera ay hindi kasama sa naunang listahan na ipinadala ng TF sa Myanmar at makikipag-ugnayan pa ang grupo para maihabol sila.
Naniniwala naman si Ycasas na walang magiÂging problema ito lalo pa’t naunang sinang-ayunan ng Myanmar ang paghabol sa tatlong-kataong woÂmen’s golf team sa Pambansang delegasyon.
Ang pagpasok ni 6’7 Letran center sa men’s team ay magpapatatag sa inside game ng koponan. Sa orihinal na line-up ay si 6’10 Marcus Douthit lamang ang lehitimong sentro habang sina Mark Belo ng FEU at Prince Caperal ng Arellano ang iba pang big men ni coach Jong Uchico.
Sina Sambili at Gloriani na isang 3-point shooter, ang magpapalakas sa opensa ng women’s team.
Kasabay nito ay pormal na ring inabiso ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) ang pag-alis kay Grandmaster Wesley So sa kanilang line-up.
Si So, na defending champion sa SEAG sa blitz, ay hindi sasali sa Myanmar dahil conflict ito sa kanyang pag-aaral sa Canada.
Bunga nito, ang laban sa men’s team ay maiiwan kina GMs Mark Paragua, Darwin Laylo, Oliver Barbosa, John Paul Gomez, Eugene Torre at Rogelio Antonio Jr.