MANILA, Philippines - Magkakaroon ng maÂganÂdang pagtatapos sa oversees training ng Azkals sa taong 2013 ang nais ng koponan sa pagbangga sa India ngayong gabi sa Kanchenjunga Stadium, India.
Sa ganap na alas-9:30 ng gabi itinakda ang labaÂnan at magpupursigi ang national men’s football team na pawiin ang 4-0 shutout na pagkatalo sa United Arab Emirates noong Sabado ng gabi.
Lalakas ang Azkals daÂhil maglalaro na si Fil-German Stephan Schrock para tumatag ang opensa ng koponan.
Ranked 137th ang Pilipinas habang 154th ang India, pakay ng dayong koponan na masundan ang 2-0 panalo sa Indiano na nangyari sa Challenge Cup noong nakaraang taon.
Ito ang ikalimang pagkikita ng dalawang bansa at angat ang India.