Laro Ngayon
Marikina Sports Center
7p.m. Hobe Bihon vs Arquitectos Construction
8:30p.m. FEU-NRMF
vs Galing MHS
MANILA, Philippines - Balak ngayon ng nagdedepensang kampeon Hobe Bihon na masungkit ang unang puwesto sa Group A sa pagharap sa Arquitectos Construction sa pagtatapos ng eliminasyon sa 3rd DELeague Kap. Rudy Francisco Cup ngayong gabi sa Marikina Sports Center.
Ang laro ay itinakda sa ganap na alas-7 ng gaÂbi at sakaling magwagi ang Hobe Bihon ay makakasalo sila sa PLAntipolo at ACS Team na parehong may 3-1 baraha.
Gagamitan ng quotient system para basagin ang pagkakatabla bago isagawa ang double playoff para malaman kung sino ang magiging number one team sa grupo.
Mahalaga ang malagay sa unang puwesto sa dalawang pangkat dahil ito ay diretso ng aabante sa semifinals.
Ang Hobe Bihon ang magkakaroon ng pinakamataas na quotient upang iwanan ang PLAntipolo at ACS Team sa unang playoff. Ang mananalo rito ang makakalaban ng nagdedepensang kampeon para sa awtomatikong puwesto sa Final Four.
Sakaling matalo ang Hobe Bihon, ang PLAntipolo at ACS Team ang maglalaban sa number one seeding sa Linggo.
Ang Sta. Lucia ang pasok na sa semis sa Group B taglay ang 5-0 kartada sa ligang itinataguyod ni Marikina Mayor Del de Guzman at sinusuportahan ng Philippine Business Bank-Marikina Branch, Hotel Sogo, Josiah Catering Inc. at St. Anthony Medical Center Marikina Inc.
Ang ikalawang laro dakong alas-8:30 ng gabi ay sa pagitan ng FEU-NRMP at Galing MHS.