Del Rosario, Jose bumabandera

MANILA, Philippines - Sina defending ladies’ Masters champion Liza del Rosario ng TBAM/Prima/RP at Collins Jose ng TBAM/Prima ang naka­pagtala ng pinakamataas na iskor sa Class O singles event sa 42nd Philippine International Open tenpin bowling championships noong Martes sa Sta. Lucia Center sa Sta. Lucia East Grand Mall sa Cainta City.

Si Del Rosario ay may 622 pinfalls sa 233, 188 at 201 iskor para pangunahan sina MTBA/RP’s Liza Clutario (613) at TBAM/RP’s Ma­deline Llamas (582).

Ang 21-anyos na si Collins na katatapos lamang ng pag-aaral sa San Beda-Alabang at kasapi ng national pool ay may 644 pinfalls (233-175-256), upang ilagay si TBAM/Prima?RP’s Enzo Hernan­dez sa pangalawang puwesto (659) habang si BALP’s Angel Tolentino Jr. ang nasa ikatlo (650).

Si six-time world champion Paeng Nepomuceno ng PBC/Prima na sumali sa unang pagkakataon sa Open Masters qualifying ay may 1140 para malagay sa ikalimang puwesto sa likod nina MTBA/RPs Raoul Miranda (1366), PBAP/Bowlmart/RP’s Jeff Carabeo (1247), TBAM/Prima’s Ritchie Poblete (1174) at PBAP/Bowlmart’s Gene Basa (1143).

Show comments