ACS sumosyo sa liderato ng DELeague

Laro Bukas

(Marikina Sports Center)

7 p.m.   Galing MHS vs Skyforce Team

8:30 p.m. FEU-NRMF vs Sealions

 

MANILA, Philippines - Sinaluhan ng ACS Team ang PL Antipolo sa unahan ng Group A sa 3rd DELeague Kap. Rudy Francisco Cup nang kunin ang 101-94 panalo noong Linggo sa Marikina Sports Center.

Si Jonathan Pinera ay may 16 puntos, habang sina Mitch Loda at Alvin Vitug ay nagdagdag ng 14 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod, para sa ikatlong panalo matapos ang apat na laro.

Nasayang ang 33 puntos ni Mac Belo at 19 puntos at 11 rebounds ni Ingrid Sewa para sa PL Antipolo.

Nangibabaw ang JSM-KTM sa FEU-NRMF, 101-97, sa ikalawang laro sa ligang may ayuda ng Philippine Business Bank-Marikina Branch, Hotel Sogo, Josiah Ca­tering Inc.,St. Anthony Medical Center Marikina Inc., PCA Marivalley, Mared Rubber and Marketing Corp.,The Playground Premium Outlet Store,  Luyong Panciteria, Mckie’s Construction Equiptment Sales and Rentals, Tu­tor 911, Azucar Boulangerie and Patisserie, Maic’s Gym, Mylene’s Ensaymada Bananacake, Pancit ng taga Ma­labon at Villaronar Resort.

Ang liga na inorganisa ni Marikina City Mayor Del de Guzman ay ginaganap tuwing Martes, Huwebes, Sabado at Linggo mula ika-7 ng gabi.

 

Show comments