Cali magdedepensa kay Smolka sa Sabado sa PXC 41

MANILA, Philippines - Nakatakdang idepensa ni Ale Cali faces sa ikalawang sunod na pagkaka­taon ang kanyang suot na Pa­cific X-Treme Combat fly­weight title laban kay Louis Smolka sa Sabado sa Ynares Sports Arena sa Pa­sig City.

Maliban sa pagtatanggol ng 22-anyos na si Cali ng Davao City sa kanyang korona ay itatampok din ang mga laban nina Mark Striegl, Crisanto Pitpitunge, Harold Banario at sina lady fighters Gina Iniong at Nathalie Heidel.

“Sa lahat ng kalaban ko ito `yung mahirap. Batang-bata pa kasi at di pa nakakatikim ng talo,” wika ni Cali kahapon sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.

Taglay ni Cali ang 5-1 (win-loss) slate at halos isang taon na hindi nakala­ro matapos ang isang third round technical knockout win kontra kay legen­dary fighter Erwin Tagle sa PXC 34.

Ang shoulder injury ang siyang nagpaupo kay Cali sa nakaraang mga buwan.

“Nagpagaling ako ng injury ko sa balikat. Kaya puro jogging lang at takbo ang ginawa ko. Puro cardio,” wika ni Cali sa kanyang ginagawang pagha­han­da.

Show comments