MANILA, Philippines - Maagang paglalabaÂnan ng Cagayan Valley at Zambales M-Builders ang liderato sa PBA D-LeaÂgue Aspirant’s Cup sa pagtutuos ng dalawang nanalong koponan ngayon sa Arellano Gym.
Buo ang puwersa ng Rising Suns upang mapaÂboran sa hangaring sundan ang naitalang 83-74 tagumpay sa Café France sa pagbubukas ng liga noong Huwebes.
Ang rookie na si Don Trollano ang nagpasikat sa unang panalo ng Cagayan sa kanyang 22 puntos at 11 rebounds pero sa larong ito ay may makakatuwang na siya sa pagsama na ng mga NCAA players na sina John Pinto, Prince Caperal, Michael Mabulac at Kenneth Ighalo.
“Sinuwerte lang kami sa first game. Sa larong ito ay nakikita ko na mas maganda ang ipakikita namin dahil kumpleto ang team,†wika ni Rising Suns mentor Alvin Pua.
Hindi naman padadaig ng ganun-ganon lamang ang M-Builders na tinalo ang gaya nilang baguhan na Derulo Accelero, 79-73.
Ang laro ay itinakda dakong alas-4 ng hapon at bago ito ay tatlo pang koponan ang magbubukas ng kanilang kampanya sa liga.
Ipakikita ni two-time UAAP MVP Bobby Ray Parks Jr. ang kalidad sa commercial league sa pagdadala sa Banco de Oro laban sa Jumbo Plastic sa alas-12 ng tanghali bago sundan ng tagisan ng Boracay Rum at Derulo Accelero sa alas-2 ng hapon.