MANILA, Philippines - Nakatakdang iluluklok ng PBA board of governors ang bagong chairman na si Ramon Segismundo ng Meralco sa kanilang gagawing annual planning session simula ngayon sa Sydney, Australia.
Si Segismundo bukod sa iba pang board members kasama sina outgoing chairman Robert Non ng Barangay Ginebra ay PBA commissioner Chito Salud ay nakatakdang umalis kagabi.
Kumpiyansa ang board na matutumbasan ng lideÂrato ni Segismundo -- isang eksperto sa human resources -- ang nagawa ng pamamahala ni Non.
“It’s going to be a very exciting year. We’ll continue if not surpass what we have achieved,†sabi ni Segismundo.
“Our theme will be ‘One PBA, One Philippines.’ We’ll try to forge a united basketball nation built around the PBA and built around a synergy among the PBA, Gilas Pilipinas and SBP especially as we go to Barcelona and Seoul in 2014,†ani Segismundo na nangako ng suporta para sa Team Phl na lalahok sa 2014 World Cup at sa Asian Games.
Tiniyak din ng bagong PBA chairman na gagawa siya ng mga bagay na magÂpapatuloy sa tagumÂpay ng PBA sa linya ng gate attendance at fans satisfaction.
“We’ll put in innovative programs. To start, we’re holding games in Manila, Cebu and Davao on opeÂning day in line with the ‘One Philippines’ theme. For the 25th All-Stars, we’ll do something that has not been done before. It would be unprecedented,†sabi ni Segismundo.
Plano rin ni Segismundo, nasa kanyang ikatlong taon sa PBA, na dagdagan ang bilang ng mga PBA teams.