CEBU, Philippines - Wala na sa isipan ni Bob Arum ng Top Rank ProÂmotions na ilaban pa si Manny Pacquiao kay Floyd Mayweather, Jr.
Sinabi ni Arum na sinuman kina Juan Manuel MarÂquez, Timothy Bradlery, Jr. at Ruslan Provodnikov ay maaaring labanan ni Pacquiao kung mananalo siya kay Brandon ‘Bam Bam’ Rios sa Nobyembre 24.
Sina Bradley at ProvodÂnikov naman ang puweÂdeng itapat kay Rios sakaling magulat nito si Pacquiao.
“Manny has unfinished business with Tim Bradley and that might be a good option if he beat Rios,†wika ni Arum sa Filipino world eight-division champion na si Pacquiao.
Inagaw ni Bradley kay Pacquiao ang suot nitong World Boxing Organization (WBO) welterweight crown mula sa isang kontrobersyal na split decision noong HunÂyo 9, 2012.
Matagumpay itong naiÂdepensa ni Bradley laban kina Provodnikov noong Marso at Marquez nitong Oktubre.
“If Rios wins, Ruslan Provodnikov or Bradley would be a good opponents,†ani Arum sa 27-anÂyos na si Rios, ang dating WBO light welterweight titlist.
Ang nasabing korona ay inagaw naman ni Provodnikov kay Mike Alvarado, tumalo kay Rios noong Marso, noong nakaraang Linggo sa Denver, Colorado.
Si Provodnikov ay daÂting sparmate ni Pacquiao at sinasanay din nina chief trainer Freddie Roach at Filipino assistant Marvin Somodio sa Wild Card Gym sa HollyÂwood, California.
Wala pang katiyakan kung maitatakda pa ang mega fight sa pagitan nina Pacquiao at Mayweather matapos mabasura ng tatlong beses ang kanilang negosasyon.