MANILA, Philippines - Sa Game Seven ng isang championship series ay naÂkikita ang tunay na puso ng isang player.
Ito ang pinatunayan ni Marc Pingris nang humakot ng 19 points, 17 rebounds, 2 assists at 5 shotblocks sa 87-77 panalo ng San Mig Coffee laban sa Petron Blaze para angkinin ang 2013 PBA Governors’ Cup noong Biyernes.
Dahil dito, hinirang ang 6-foot-5 na power forward bilang Finals Most Valuable Player.
At kagaya ng kanyang ginawa matapos makamit ng Gilas Pilipinas ang isang tiket para sa 2014 FIBA World Championships noong Agosto ay pumagitna rin si Pingris sa court at lumuha.
“Nagpapasalamat ako kay Lord. Binigay namin lahat, win or lose,†sabi ng 32-anyos na si Pingris.
Ang huling ginawa ni Pingris para sa panalo ng Mixers ay ang pagsupalpal kay 6’5 import Elijah Millsap ng BoosÂters sa natitirang 23 segundo.
“Iniisip ko lang, laro lang talaga eh. Hindi ko na inisip ‘yung sakit (ng katawan),†ani Pingris.
Sa kanilang best-of-seven championship series ay nagposte si Pingris ng mga averages na 12.5 points, 8.5 rebounds, 3 assists at 1.5 blocks para sa San Mig Coffee.
Bago hirangin bilang Finals MVP ng 2013 PBA Governors’ Cup ay kinilala muna si Pingris bilang miyembro ng All-Defensive Team at Mythical Second Team.