Malditas at Muzang Football teams sinuportahan, sports advocacy pinatibay ng Globe

MANILA, Philippines - Sinimulan ng Globe Telecom ang kanilang sports advocacy program na Globe Sports na sumu-suporta sa Philippine wo-men’s national football team na Malditas at ang Philippine National futsal team na Muzang.

Hangarin ng Globe Sports na tulungan ang mga atletang Pinoy na may  kakayahang pang world-class at pagpapatibay ng kamalayan sa larangan ng isports sa iba’t ibang Globe CSR communities upang makadiskubre ng mga  “grassroots talents”.

“Through this advocacy, we are effectively strengthening sports development in the country. Football is just the first step because our sports advocacy is not a mere sponsorship channel but it’s actually a long-term partnership to develop sports programs for our Globe CSR communities,” ani Ernest Cu, Presidente  at CEO ng Globe.

Bago pa man ang pag­lulunsad ng kanilang sports advocacy ay sinusuporta­han na ng Globe ang Green Archers United Football Club o GAU FC sa United  Football League pati na ang Captain ng Azkal na si Chieffy Caligdong, ang DLSU  Greenhills Football Team at  ilang pang Futsal tournaments mula noong nakaraang  taon.

Sa pagsuporta sa Malditas at Muzang kabilang ang GAU FC at DLSU Greenhills Football Team, ang Globe ngayon ang pina­kamalaking stake­hol­der ng football sa  bansa.

Dadalhin ng mga ko­po­­­nang ito ang “Globe Football Para Sa Bayan”  bilang kanilang CSR Football advocacy. Bukas ay gaganapin ang pinakama­laking “Glo­be Football Para Sa Ba­yan” sa DLSU Zobel Globe Football Field sa may Ayala Alabang Village.

Makakasama dito ang Gawad Kalinga, Futcaleros, Dream Big Pilipinas,  Pinay FC at Payatas FC.

Pangungunahan ni Caligdong at iba pang atleta mula sa  Malditas ang football clinics katuwang ang DLSU Greenhills at Zobel Football  teams.

 

Show comments