MANILA, Philippines - Mga panalo sa taekwondo, table tennis at girls swimming ang nagtulak sa UE para hawakan ang unang puwesto sa karera para sa 76th UAAP juniors division.
Ang Junior Warriors ay kumulekta nang 67 puntos para agawin ang unang puwesto sa nagdedepensang kampeon na UST at Ateneo na parehong may 56 puntos.
Hindi pa nananalo ng titulo ang Tiger Cubs pero paÂngaÂlawa sila sa girls swimming at pumangatlo sa boys swimming, table tennis, taekwondo at judo.
Sa kabilang banda, ang Blue Eagles ay nagdomina sa boys swimming at judo at pumangalawa sa basketball.
Ang La Salle-Zobel ang nasa ikaapat na puwesto pero kapos lamang ng dalawang puntos sa UST at Ateneo sa 54 habang ang National University (27), FEU-Diliman (22), UPIS (18) at Adamson (7) ang kumumpleto sa pagtatapos ng walong paaralan.