UE, SBC tossers sumalo sa liderato

DASMARIÑAS , Philippines  --Umiskor ng dalawang panalo sina University of the East-1 bet Pia Sarmiento at Madel Ga­varra sa 2013 Petron Ladies’ Beach Volleyball Battle of Champions dito sa De La Salle-Health Sciences Institute sand-court.

Ginamit ng tambalan ang kanilang mga drop shots para makasalo  sina Janine Marciano at Frances Molina ng San Beda College sa liderato.

Unang tinalo nina Sar­miento at Gavarra sina San Beda 1 players Debbie Dultra at Mona Diolazo, 21-16, bago isinunod sina Patricia Anne Belleza at Jan Carreon, 24-22, ng Le­tran 2.

Kasalo ng UE-1 sa liderato ang San Beda sa Group A.

Umiskor sina Marciano at Molina ng 21-11 panalo kina Belleza at Carreon kasunod sina Philippine Merchant Marine School pride Anne Nicole Banas at Grace Ranola, 21-8.

Sa iba pang laro sa Group A, umiskor ang La Salle-Dasmariñas standouts na sina Iumi Yongco at Mara Galicia ng  21-18 panalo laban kina Banas at Ranola bago na­kalasap ng 18-21 kabiguan kina Diolazo at Dultra.

 

Show comments